Saturday, May 30, 2009

Pantikang Filipino

Panitikang Filipino sa Iba’t ibang Panahon
At Retorika

Panahon ng Katutubo

Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang sining at panitikan ang mga sinaunang Pilipino.
Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila gaya ng mga bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula; mga kwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa.
Karamihan sa mga panitikang ito ay pasalin-dila. May mga panitikan ring nasulat sa mga piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at makikinis na bato. Ngunit iilan na lamang ang mga natagpuan ng mga arkeologo (archeologists) sapagkat batay sa kasaysayan, pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang dumating sila sa bansa sa paniniwalang ang mga ito ay gawa ng demonyo.

Pananakop ng Kastila
Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong Gs – GOD, GOLD at GLORY. Dumating sila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo, maghanap ng ginto at upang lalong mapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang nasasakop.
Mahahati ang panitikan sa dalawa sa panahong ito: una ay pamaksang pananampalataya at kabutihang-asal at ang ikalawa ay ang panitikang panrebolusyon.

Panitikang Pamaksang Pananampalataya at Kabutihang-asal

Dahil sa pananampalataya ang pangunahing pakay ng mga Kastila, karamihan sa mga unang akdang nalikha sa panahong ito ay halos paksang pananampalataya. Halimbawa sa mga ito ay ang mga uri ng dulang senakulo, santa cruzan at tibag; tulang gaya ng mga pasyong inaawit. Sila rin ang nagpakilala ng konseptong maharlika o dugong bughaw sa mga Pilipino na mababatid sa mga akdang awit na ang mga pangunahing tauhan ay mga hari, reyna, prinsipe at prinsesa – isang patunay ang awit na Florante at Laura ni Balagtas at mga dulang duplo at karagatan.
Sa panahong ito, piling-pili lamang ang nakasusulat sapagkat wikang Kastila lamang ang kinikilala sa ganitong larangan. Kaunti lamang ang nakasusulat sa Kastila dahil sa pagpipigil, sa nadaramang takot at pagiging madamot ng mga Kastila.
Sa panahong ito nalimbag ang pinakaunang aklat sa bansa; ang Doctrina Christiana na nalimbag noong 1553 na isang panrelihiyong aklat.
Ang pasyon ang isa sa patulang anyo na makarelihiyon. Samantalang ang mga dula sa nama’y ang mga senakulo, Santa Cruzan, at tibag. Ang mga dulang Moro-Moro naman ay pumapaksa sa tagumpay ng mga Kastila, isinasadula rito ang mga himagsikan sa pagitan ng mga sundalong Kastila at mga Muslim sa Mindanao at sa wakas ng dula, palaging nagwawagi ang Kastila at talunang niyayakap ng mga Muslim ang Kristiyanismo. Nauso rin ang carillo o mga dulang puppet na yari sa karton na gumalaw sa likod ng isang mailaw at puting tela.
Ang mga panitikan namang ukol sa kabutihang-asal ay ang Urbana at Feliza ni Padre Modesto de Castro.
Nalimbag rin sa panahong ito ang pinakaunang newsletter sa bansa noong 1637 – ang Successos Felices (Fortunate Events) ni Tomas Pinpin na may 14 na pahina. Ngunit noong Agosto 8, 1811 lamang nalathala ang pinakaunang pahayagan sa bansa – ang Del Superior Govierno na umabot hanggang labinlimang tomo.

(2) Panitikang Rebolusyonaryo at Sedisyoso

Sa ikalawang bahaging ito ng kasaysayang pampanitikan sa panahon ng pananakop ng Kastila, karamihan sa mga panitikang nalikha ay may diwang rebolusyonaryo at nagbukas sa kamalayang Pilipino sa di-makataong pagtrato sa kanila ng mga Kastila at nag-uudyok na kalabanin ang pamahalaan.
Dahil sa labis na pang-aalipin at pang-aalispusta at masidhing diskriminasyon ng mga Kastila sa mga Pilipino; nagsilunsad ng mga kilusan ang iilang Pilipinong hindi na sumasang-ayon sa pamamalakad ng mga prayle at pamahalaang Kastila.
Nagsisulat ang mga Pilipino sa panahong ito ng mga panitikang nagrerebolusyon. Nalathala ang mga pahayagang propagandista na pinangunahan ng La Solidaridad noong Pebrero 19, 1889 na naglalayong “matamo ang pagbabagong kailangan ng bansang bilang tugon sa kalagayang panlipunan at pang-ekonomiya, maisiwalat ang malubhang kalagayan ng bansa sa ilalim ng pamamalakat ng mga Kastila at upang pairalin ang kalayaan at demokrasya.”
Dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagsitago ang mga manunulat sa ilalim ng iba’t ibang sagisag-panulat upang maprotektahan ng mga sarili laban sa mapang-alipustahang Kastila at upang patuloy na makasulat.
Ang pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na may sagisag-panulat na Laong Laan ay naging bahagi ng pahayagang La Solidaridad; at ang may-akda ng mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na unang nalimbag at nalathala sa Espanya at naging mitsa sa mga rebolusyonaryong Pilipino na mag-aklas laban sa mga Kastila. Sumulat din si Rizal ng mga sanaysay gaya ng Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino at Sa Mga Kabataang Dalaga sa Malolos.
Ang mga bayaning sina Marcelo H. Del Pilar (na may sagisag-panulat na PLARIDEL), Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Pedro Serrano Laktaw, Emilio Jacinto, Apolinario Mabini, at marami pang iba ay nagsisulat din.

Pananakop ng Amerikano

Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mga Kastila, naging tagapagsagip ang mga Amerikano nang dumating sila noong 1898 na tuluyang nagpabagsak sa pamahalaang Kastila.
Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Kastila sa Pilipino, edukasyon naman ang naging pangunahing ipinamana ng mga Amerikano. Sa panahong ding ito isinilang ang mga ilang imortal na makatang Pilipino na nagsisulat sa Ingles at Tagalog.
Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano sa bansa, sumulat ang mga Pilipino sa Kastila, Tagalog at iba pang wikang panlalawigan. Nagsimula lamang umusbong ang mga panitikan sa Ingles noong 1910 dahil sa mga bagong silang na manunulat.
Kabilang sa mga manunulat sa panahong ito sina Cecilio Apostol na sumulat ng mga oda para kay Rizal; Claro M. Recto na naging tanyag sa kanyang natatanging mga talumpati; si Lope K. Santos na sumulat ng obra-maestrang “Banaag at Sikat” at nagpauso ng panitikang sosyalista; si Jose Corazon de Jesus na tinaguriang Makata ng Pag-ibig at may panulat-sagisag na ‘Huseng Batute;’ at si Jose dela Cruz na may panulat-sagisag na ‘Huseng Sisiw’ dahil sisiw ang ipinababayad kapag nagpapagawa sa kanya ng tulang pag-ibig; si Severino Reyes na sumulat ng imortal na dulang “Walang Sugat” at tinaguriang Ama ng Dulang Tagalog; si Zoilo Galang na pinakaunang nobelistang (A Child of Sorrow) Pilipino sa Ingles at maraming-marami pang iba.
Ang mga Amerikano ang nagpakilala ng mga fairy tale sa mga Pilipino na ginamit ng mga gurong Tomasites sa pagtuturo.Ipinakilala rin ng mga ito ang iba pang uri (genre) ng panitikan gaya ng oda at nagpakilala sa pinilakang-tabing – ang pelikula.
Dahil sa impluwensiyang pangteknolohiyang dala ng mga Amerikano, naimpluwensiyahan din ang panitikan sa bansa. Dula ang naging pangunahing panitikan sa panahong ito. Dala nila ang mga bodabil na isang uri ng dula kung saan umaawit at sumasayaw ang mga artista na nagbunga sa sarsuwela ng Pilipinas. Dahil sa dala rin ng mga Amerikano ang pelikula sa bansa, ngunit nag-umpisa ito sa mga artistang gumagalaw lamang at nagsasalitang walang tinig (silent films); unti-unting naisantabi pansamantala ang dulang panteatro sa bansa dahil sa nakahiligan na ng mga Pilipino ang panonood ng pelikulang-tahimik.
Ang mga unang pelikulang ginawa sa bansa ay halos mga dokumentaryo ukol sa pagsabog ng mga bulkan at iba pang kalamidad at ang iilang dokumentaryong bunga lamang ng pagka-ignorante ng mga Amerikano sa mga katutubong Pilipino.
Ang mga unang pormal na pelikula sa bansa ay ukol sa buhay ng bayaning si Rizal at ng kanyang dalawang nobela. Ang pinakaunang pelikulang Hollywood na ginawa sa bansa ay ang pelikulang Zamboanga. Ito ang kauna-unahang Hollywood film na may underwater scene. Ngunit ang pinakaunang pelikulang produksyon ng Pilipino ay sa pamumuno ni Jose Nepumuceno hango sa dulang panteatrong Dalagang Bukid (dula ni Hermogenes Ilagan) na malateatro rin ang kinalabasan.
Di naglaon, ninais na rin ng mga Pilipino na makawala sa kamay ng mga Amerikano. Ngunit hindi rin naging mabilis ang pagkamit sa kalayaan.
Ang dula ay sadyang kinasangkapan ng mga manunulat na Pilipino upang ipahayag ang hangad na paglaya ng bayan at makabayang pananaw. Ang kalayaang tinamasa sa kamay ng mga Amerikano ay alangang ihambing sa ipinalasap ng mga Kastila. Gayunpaman, hindi rin nasiyahan ang mga manunulat.
Isa sa mga unang dulang itinanghal sa panahon ng mga Amerikano na umuusig sa mga Amerikano at sedisyoso ay ang kay Juan K. Abad na itinanghal noong Mayo ng 1903 – ang Tanikalang Ginto. Inakyat ng mga alagad ng batas ang Batangas habang itinatanghal ang dulang ito dito at dinakip ang may-akda. Ngunti napawalang sala rin sa tulong ng isang mahusay na manananggol na Pilipino. Ang dulang Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino ay tumuligsa rin sa Amerikano. Ngunit pinakamatindi ang paghihimagsik ng dulang “Hindi Ako Patay” na hindi na nakilala ang may-akda dahil sa ginamit nito ang pangalan ng kanyang may-bahay.

Pananakop ng Hapon

Sa pambobomba ng Amerika sa Hiroshima, gumanti ang Hapon sa paglusob nito sa Pearl Harbor noong Disyembre 7, 1941. Dahil nasa isalalim ng kolonya ng Estados Unidos kaya’t sinakop ng Hapon ang Pilipinas. Ngunit para sa karamihang manunulat na Pilipino, isang biyaya sa larangang panitikan ng bansa ang pangyayaring ito. Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa. Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng kanluraning ideya ang panitikang nililikha.
Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang Gintong Panahon ng Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito.
Sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino sa pangalan nina Liwayway A. Arceo at Genoveva Edroza-Matute dahil sa mga makintal na maka-feministang maikling-kwento.
Dahil sa dinalang haiku (maikling tulang may tatlong taludtod at may bilang na pantig na 5-7-5 sa taludtod), nagkaroon ang mga Pilipino ng tanaga (maikling tulang may apat na taludtod at ang bilang ng pantig ay 7-7-7-7)

Panahon ng Pagkamit ng Kalayaan hanggang Kasalukuyan

Naging makasaysayan sa mga Pilipino ang pagbabalik ng kanilang kalayaan mula sa kamay ng mga Hapon. At dahil sa kalayaang natamo, higit ring sumigla ang kalayaang pampanitikan ng bansa.
Bilang patunay ng kasiglahan ng panitikang Filipino sa iba’t ibang uri sa panahong ito ay ang pagkakalimbag ng mga sumusunod na katipunan ng mga aklat: Mga Piling Katha at Mga Piling Sanaysay ni Alejandro Abadilla, Maiikling Kwentong Tagalog ni Teodoro Agoncillo, Ako’y Isang Tinig ni Genoveva Edroza-Matute at marami pang iba. Kinilala rin buhat sa panahong ito ang mga panitikang panlalawigan dahil sa mga inilunsad na mga pambansang pananaliksik at pagsasaling-wika ng panitikan ng Pilipinas.
Lalo pang sumigla ang panitikang Filipino nang ilunsad ang gawad Carlos Palanca Memorial Awards for Litetature.
Sumilang din sa panahong ito ang aktibismo ng mga batang mag-aaral noong nagsisimula ang dekada ’80 at ang kanilang panitikang aktibista gaya nina Virgilio Almario (na may sulat-panulat na Rio Alma) at Quintin Perez.
Pinakamasigla rin ang mga panitikang namayagpag sa media gaya ng sa radyo, telebisyon at sinehan. Nagsilang ang panahong ito ng mga musikerong Imelda Papin at Victor Wood, ng Hotdog, Sampaguita, Asin, Ryan Cayabyab, Levi Celerio, Pepe Smith at Freddie Aguilar na naging laman ng mga jukebox. Mga lagaristang gaya nina Ricardo “Ricky” Lee (may-akda/Himala at Oro, Plata, Mata), Lino Brocka (tagadirehe/Maynila sa Mga Kuko ng Liwanag) at Ishmael Bernal (tagadirehe/Himala) at Marilou Diaz-Abaya (tagadirehe/Oro, Plata, Mata). Nagsilabasan rin ang mga karikaturang (komiks) na Darna, Liwayway at Zuma ni Mars Ravelo at ang pinakatanyag na Pugad Baboy.
Nag-uumpisa pa lang ang ikadalawampung siglo, higit na sumigla ang panitikang Filipino dahil sa trend o pinauso na dulot ng media.
Kinilala ang Eraserheads (isang bandang binubuo ng mga mag-aaral ng UP) sa pagpapasigla muli sa OPM. Nagbukas ng daan sa marami pang musikero ang Eheads gaya ng sa Yano, Siakol, Green Department, the Teeth, Rivermaya at Parokya ni Edgar. Nagbigay ng bagong hihip sa kulturang Pilipino ang mga bandang ito na nagpakilala ng iba pang genre ng musika sa lahi. Kinilalang The Beatles of the Philippines ang Eheads dahil sa init na taglay ng bawat pagtanghal at bagong awitin. Ilan sa mga awiting kinilalang imortal sa panahong ito ay ang Huling El Bimbo, Iskin, Banal na Aso Santong Kabayo, Himala, Silvertoes, Alapaap, Overdrive, Peksman, Prinsesa, Pare Ko at Miss sa Loob ng Jeepney. Maliban sa mga banda, kinilala rin ang mga musika ni Jolina Magdangal, Jeremiah, Rossel Nava at Carol Banawa na mga supling ng makabagong melo-musika ng bansa.
Sumigla rin ang mga dulang pantelebisyong pambata lalung-lalo na ang Batibot, Ang TV at 5 and up. At mga dulang panradyo ay kinagigiliwan naman ng mga nakatatanda. Puspusan din ang produksyong pampelikula na nagsalin ng mga maikling-kwento at nobela sa pelikula at ginawang inspirasyon ang mga awit, tula, sanaysay at kasaysayan sa pagbuo ng marami pang dulang pampelikula. Naipanganak din ang maraming genre ng pelikula gaya ng independent flims at cinema veritae film.
Sa kasalukuyan, sinasalin ang mga panitikan hindi lamang sa mga pahayagan, magazine at aklat, hindi lamang sa anyo ng pelikula, palabas pantelebisyon o kaya’y programang panradyo; kundi sa pamamagitan din ng hi-technology – ang Internet. Dahil sa internet nagkaroon ng blogging, video clipping at audio airing na patuloy na bumubuhay sa panitikan hindi lang ng Filipino kundi ng ibang lahi mandin.
Patuloy na dumarami ang mga manunulat na Pilipino sa iba’t ibang anyo at uri ng panitikan gamit ang iba’t ibang media dahil sa mga inumpisahang kurso sa mga universidad at kolehiyo at pangangasiwa ng gobyerno ng mga pagsasanay sa mga kinakikitaang husay na mga mamamayan. Ngunit ang kasiglahan ng panitikan ay hindi magiging buo kung aasahan lamang ang pagdami at pag-usbong ng mga manunulat; kailangan din ang pagpapahalaga at pagmamalasakit ng mga mambabasa na katuwang sa pagtaguyod ng panitikan ng lahi.

Mga Sanggunian:
Arrogante, Jose A. et al. Panitikang Filipino (pampanahong elektroniko). National Book Store. Mandaluyong City. 1991
Casanova, Arthur P. Kasaysayan at pag-unlad ng dulaang Pilipino. Rex Book Store. Quezon City. 1984
Garnace-Ulit, Perla Ph.D et al. Pagpapahalaga sa Panitikan ng Pilipinas. Grandwater Publications and Research Corporation. Makati City. 1998
Malinao, Alito L. Journalism for Filipinos. National Book Store. Mandaluyong City. 1997
Mosura. Carmel T. at Tanawan, Dolores S. Sandigan ng pamahayagang pangkampus. Mutya Publishing House, Valenzuela City. 2002
Sebastian, Feredico B. Ang dulaang Tagalog. Bede’s Publishing House Inc. Quezon City. 1951
Villafuerte, Patricino V. et al. Panitikang panrehiyon sa Pilipinas. Mega-Jesta Prints, Inc. Valenzuela City. 2000

RETORIKA

Retorika - galing sa salitang rhetor (salitang Griyego) na nangangahulugang "guro" o isang mahusay na orador / mananalumpati. susi sa mabisang pagpapahayag na nauukol sa kaakit-akit, kaigaigaya at epektibong pagsasalita at pagsulat. pag-aaral kung paano makabubuo ng isang kaisipan sa pamamagitan ng mga piling salita at wastong pag-ayaw-ayaw ng mga ito upang maiangkop sa target ng awdyens at matamo ng manunulat ang kanyang layunin.

Mga Sangkap ng Retorika

Ang kaisipang gustong ipahayag. ito ang pangunahing dahilan kung bakit nais nating magpahayag. may mahalaga tayong kaisipang nais ipahayag.
Ang pagbuo o organisasyon. ang pagkakaroon ng lohika ay mabisang paglalahad. ito ay kumakatawan sa kakayusan ng pagkakabuo.
Ang istilo ng pagpapahayag. ito ay nagbibigay diin sa ikatlong bahagdang may kaugnayan sa istilo. ang anyo o kaayusang akda o komposisyon ay nakasalalay sa mga para-paraan ng pagpapahayag. hindi lamang sa kawastuan ng balarila kungdi maging sa panitikan.

Mga Kahalagahan ng Maretorikang pagpapahayag

Kahalagang panrelihiyon - napahihikayat ang iyong tagapakinig na mananatili sa kanyang paniniwala at huwag lumipat ng sasamahan.
Kahalagahang pampanitikan - ang mga manunulat ay may responsibilidad na palutangin ang mga kahalagahang makakatulong sa pagpapalawak ng karanasan.
Kahalagahang pang-ekonomiya - ang sinumang nagnanais na umunlad ang kanyang buhay ay may puhunang kailangan gampanan at ito ay palaguin ito. Taglay ng maretorikang pang-akit sa mga nagnanais na makakumbinsi.
Kahalagahang pampulitika - marami sa mga matagumpay ngayon sa larangan ng pulitika ay likha ng personalidad at popularidad. ang maretorikang pahayag ang isa sa pangunahing puhunan upang makakumbinsi ng mga taong boboto sa isang kandidato.

Tayutay - Salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumagamit ng talinghaga o di-karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin.Hal. Limang kamay ang pinapakain ng aking ina.

Mga uri ng tayutay:
1. Simili o Pagtutulad - paggamit ng pariralang wangis, parang, katulad, mistula at iba pa. 2. Metapora o Pagwawangis - paggamit ng salita o pariralang pantulad nang tahasan. 3. Personipikasyon - ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao-talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa.
4. Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang taong kungdi kaharap, nasa malayo o kaya'y wala na.
5. Pag-uulit A. Aliterasyon - ang unang titik o unang pantig ay parepareho. B. Anapora - Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o ng isang sugnay. C. Anadiplosis - paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng pahayag o sugnay. D. Epipora - pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng sunud-sunod na taludtod. E. Empanodos o Pabalik na Pag-uulit - pag-uulit nang pagbaliktad ng mga pahayag. 6. Pagmamalabis - ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.
7. Panghihimig o Onamatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.
8. Pag-uyam o Ironya - ito ay pananalitang may himig na paglibak, panunudyo o pagkutya.
9. Pagpapalit-saklaw - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit.
10. Paglilipat-wika o Transferred Epithet - tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.

Mga Pananalig sa PanitikaN

Klasisismo – Mas mahalaga ang kaisipan kaysa damdamin. Magalang sa kapangyarihan, maingat at marangal ang pananalita.
Simbolismo – Paglalahad ng mga bagay.
Realismo – Paglalahad sa paraang siyentipiko at di namimili ng mga nadarama.
Impresyunismo – Isang pananalig na nakatuon sa kakintalan.
Eksitensyalismo – Kahalagahan ng personalidad ng tao at pagbigay-kapangyarihan ng kapasyahan ng tao laban sa katwiran.
Ekspresyunismo – Kaisipan ng awtor ang mamamayani
Femenismo – Bigay ng pantay na kapangyarihan ng lalake at babae.
Naturalismo – Makita ang kalikasan.
Romantisismo – Bigay diin sa damdamin kaysa kaisipan; Buhay “ideal”

Uri ng Pagpapahayag

Pangatwiran - (Pagtatalo, Talumpati)
Paglalarawan
Paglalahad
Pagsasalaysay Komposisyon:
1. Maikling kwento (Mga Sangkap) a. Tauhan b. Tagpuan c. Sulirain d. Kasukdulan e. Wakas2. Paglalarawan (Uri) a. Pagbibigay katuturan b. Pagbibigay kahulugan c. Balangkas d. Buod e. Pagbuo ng panuto f. Tala, balita, tudling, ulat g. Suring-basa

Pamumunang Pampanitikan - bunga ng pagbabasa, pagsang-ayon, pagsalungat pagkatuwa o pagkalungkot, pagtuklas
Persepsyon
Komprehensyon
Asimilasyon
Reaksyon
Aplikasyon
Bisa sa panitikan
1. Bisa sa kaisipan - kaalaman, karanasan 2. Bisa sa pangkaasalan - pagbabago mula sa tagabasa 3. Bisa sa Damdamin - nakibahagi ang damdamin sa mambabasa sa teksto

Jornal –t alaan ng pansariling gawain, repleksyon, mga naiisip nais isagawa at kung anu-ano pa.

Dahilan: 1. Isang travelog 2. Talaan ng mga panaginip 3. Aklat ng kaisipan a. konsepto b. karanasan 4. Lagbuk 5. Pagpaplano 6. Batayan / Paraan ng malikhaing gawain 7. Eklektik 8. Taga-imbak / tago ng mga koleksyon 7. Memoria

Pagtatalo / Debate - sining ng paggantahang katwiran o pagmamatawid ng dalawa o higit pang magkasalungat na panig

Proposisyon paksa: paturol / pasalasay
e.g Ang 2 Child policy ay sagot sa lumalalang polusyon / krisis

Pananaliksik 1. Sarbey - opinyon bentahe --- Dis bentahe
2. Saliksik sa mga babasahin at kauri nito pananaw --- bansa
Uri: 1. Pormal - may proseso, may oras ng pagsasalita 2. Di-pormalPormal 1. Balagtasan (patula) 2. Batutian (batute) 3. Bucanegan (bucaneg) 4. Origon : osford
Tagapamagitan 1. Sang-ayon 2. Di sang-ayon

Paglalarawan

Mga uri ng Paglalarawan 1. Karaniwan ito'y nagbibigay-kabatiran o impresyon tungkol sa inilalarawan hindi dapat mapasana ang damdamin o opinyon ng manunulat.
2. Masining ito'y paglalalrawan na gumigising sa mayamang guniguni o imahinasyon ng mga bumabasa o nakikinig upang makita nila ang larawan ayon sa damdamin at isipan ng manunulat. Higit itong makulay dahil ginamitan ito ng matatalinghagang pananlita na kung minsa'y nagtataglay ng pagmamalabis.

Mga dapat tandaan sa paglalarawan
1. Maging maingat sa pagpili ng dapat itampok sa paglalarawan ng paksang napili. 2. Alaming mabuti ang paksang inilalarawan 3. Dapat na malaman kung saan magsisimula 4. Alamin kung paano ito dapat wakasan 5. Pumili ng mga angkop na salita na gagamitin sa paglalarawan

Mga hakbang na kailangan sa mabisang paglalarawan
1. Pagpili ng paksa Magkaroon ng katiyakan sa anumang bagay na nais ilarawan kailangan may sapat siyang kaalaman sa paksang ilalarawan.
2. Pagpili ng pananaw Makatutulong sa ikalilinaw ng paglalarawan ang paggamit ng pananaw. Maaring ang pananaw ay pisikal, kung saan ang manunulat at nagpapahalaga sa panahon at lugar kung saan ang manunulat ay nagpapahalaga sa panahon at lugar. Maari ring ang pananaw ay mental kung ang pagpapaphalaga ay nasa lagay gn kalooban o kabuuang kundisyon ng paligid.
3. Pagbuo ng pangunahing larawan Mahalaga sa aspetong ito ang pagmamasid sa anumang bagay o taong ating ilalarawan dahil sa bawat isa'y may kani- kaniyang kakayahan o katangian na ikinaiiba niya sa karamihan.
4. Pagpili ng sangkap Kailangang maging maingat at matalino sa pagpili ng mga bagay na isasama sa paglalarawan upang mapalitaw ang binubuong larawan at ganoon din sa pagpili ng angkop na salita tulad ng mga panuring at paggamit ng matatalinghagang pananalita.
5. Pagkakaroon ng kaisahan Maaring gumagamit ng marami ngunit magkakaugnay na detalye na mag-iiwan sa mambabasa o tagapakinig ng isang malinaw na kakintalan o impresyon.
Matalinghangang Bukambibig

A. Mga Larawan at Tayutay na Nabuo dito
1. Babad sa telepono - ibig sabihin nito ay magdamag na hawak ang telepono. Hindi maiwan ang kausap nito.
2. Gusot na mga Pangarap - Hindi matupad na pangarap. Hindi makuha ang inaasam.
3. Tumutulong Pitaka - Kapag may pera ay laging nauubos. Hindi maiwasang gumastos kaagad.
4. Malawak ang tatahaking daan- maraming pagpipilian na desisyon. Kahit hindi madaliin ang isang bagay ay ayos lang.
5. Gumugulong na Isip - Tuliro. Wala sa sarili. Hindi malaman kung ano ang iisipin
6. Pitakang walang hanggan- Kung gumastos ay parang hindi nauubusan ng pera.

B. Mga iba’t ibang Salita at mga nabuo ditto
1. Utak Pulburon - masyadong mababaw mag-isip. Hindi kailangan ang iniisip sa isang bagay.
2. Amoy Kamote - Hindi kaaya aya ang amoy. Ang naamoy ng tao ay hindi ayon sa kanilang madalas na naamoy.
3. Maingay na paa - Kung maglakad ay rinig na rinig kahit nino ang yapak ng paa. Parang nagpapapansin kung maglakad.
4. Matang umaapoy - Kung makatitig ay tila gusto na tunawin ang tinitigan. Nakakatakot tumingin.
5. Kinalimutan ang Krus - Tumiwalag sa paniniwala. Sumuko na sa Diyos.
6. Matang madaling nakakalimot - Madaling makalimutan ang kakilala. Hindi madaling maka-alala ng isang bagay na nakita. Hindi matandaan kung saan nalagay ang gamit.

Paglalarawan at mga layunin

Bagaman sinasabing hindi pa maaaring ganap na sipiin, ang ortograpiyang ito ay ginawa alinsunod sa prinsipyo ng makabagong lingguwistika. Subalit ginawa rin ito upang tugunan ang praktikal na pangangailangan ng mga gumagamit ng wikang pambansa — mga nagsisimulang bumasa’t sumulat, at mga bihasa nang sumusulat at nagbabasa sa wikang pambansa; mga Pilipinong ang unang wika ay Tagalog, at ang mas maraming Pilipino na ang unang wika ay di Tagalog; mga dayuhang gustong matuto ng Filipino bilang wikang dayuhan, at ang mga Pilipinong gustong gawing tulay ang kanilang wikang sarili upang matuto ng wikang dayuhan. Hindi sapat na maging siyentipiko ang isang ortograpiya. Kailangan din itong matanggap ng publiko. Sa puntong ito, kailangang linawin na walang ganap na bagong kalakaran at kumbensyon sa patnubay na ito. Ang marami rito ay dati nang mga kaalaman at tuntunin na naipahayag, naimungkahi o naiharap na sa nakaraan, subalit sa di malamang dahilan ay naiwaksi at nakalimutan. Sa ganang amin, ang muling pagpapahayag ng mga subok na at nakagawian nang tuntunin ay hindi masama kundi mabuting bagay.

Bilang patnubay

Ang patnubay na ito ay binuo ng Komisyon sa Wikang Filipino pagkatapos ng serye ng mga konsultasyon sa buong bansa noong 2006 hanggang 2007 para rebyuhin ang ortograpiyang Filipino. Hiniling dati na "maaaring magpadala ng komentaryo, katanungan, pusisyon at mungkahi tungkol sa patnubay na ito." Sinikap ng KWF na ilabas ang pinal na bersyon ng patnubay bago matapos ang 2007. May bahagi ng proyektong ito na pinondohan ng Pambansang Komisyon sa Kultura at Sining (NCCA). May mga espesyal na simbolong ginagamit sa patnubay na ito: [ ] representasyong ponetiko; “ “ representasyong grapemiko; ( ) diin; ( ) haba; ( ) impit na tunog; ( .) hati ng pantig, (~) alomorpo o baryant, at (*) di gramatikal o di katanggap-tanggap.
Mga payo [baguhin]
Ipinapayong ituro muna ang baybay ponetiko lalo na sa panimulang pagbasa at pagsulat, at isunod na ituro ang baybay Ingles.
Tinalakay din sa mga konsultasyon ang mungkahi na baybayin nang pasalita kahit ang mga tuldik. Halimbawa, ang “baít” ay babaybayin na “bi” “ey” pahilis na “ay” – “ti”. Tumanggap ito ng maraming puna, kung kayat minarapat ng KWF na ang pagbabaybay ng mga tuldik ay huwag isama sa mga tuntunin.
Mga katwiran [baguhin]
May mga katwiran sa pagtuturo ng dalawang paraan ng pagbabaybay:
Ang mga kalakasan ng dalawang pagbabaybay ay ang sumusunod:
a. Pagsasarili. Maipapakita na magkaiba ang wikang sarili at ang wikang Ingles sa pamamagitan ng magkaibang paraan ng pasalitang pagbabaybay.
b. Madaling matutuhan. Kumpara sa tawag Ingles, ang tawag abaseda ay higit na malapit sa aktuwal na tunog na kinakatawan ng mga letra. Inaasahang makapagpapadali ito sa pagkakatuto ng mga nagsisimulang bumasa’t sumulat sa wikang pambansa.
c. Episyente. Sa ortograpiyang ito ay nababaybay hindi lamang ang katutubong mga salita sa wikang pambansa at sa iba pang mga wika sa Pilipinas kundi pati ang mga hiram na salita buhat sa mga banyagang wika.
d. Tumpak. Ang pagsusulat ng mga letra at di letra gaya ng mga tuldik at ng gitling ay nagpapatingkad sa pangangailangan na maging eksakto at tumpak, lalo pa’t ang mga tuldik at gitling ay kumakatawan sa mga makahulugang tunog sa wikang pambansa.
e. Madaling ituro. Kabisado pa rin ng mga guro ang tawag abakada, kung kaya’t inaasahang hindi na mahihirapan ang mga ito kapag bumalik sa pagbabaybay ponetiko. Kapag walang mga tuldik, nahihirapan kapwa ang guro at mag aaral sa pag alam kung ano ang tamang bigkas at tamang ibig sabihin ng mga nakasulat na salita.
f. Maililipat sa ibang mga wika. Makatutulong ang ortograpiyang ito para mas madaling maunawaan at matutuhan hindi lamang ang mga lokal na wika kundi pati ang mga wika para sa mas malawak na komunikasyon (i.e. Ingles).
g. Para sa lahat. Ang pagtuturo ng pagbabaybay ay para sa kapakinabangan ng mga nagsisimulang bumasa’t sumulat at ng mga hindi katutubong tagapagsalita ng Tagalog. Tandaan na karamihan ng mga Pilipino ay nagsasalita ng wikang pambansa (at ng Ingles) bilang pangalawang wika.
Mga pagtutol [baguhin]
Tutol ang iba sa dalawang paraan ng pagbabaybay sapagkat "nakasanayan na raw ng mga tao ang baybay Ingles." Kahit totoo ito, dapat tandaan na ang kasanayan sa baybay Ingles ay nakamtan sa eskuwelahan. Ibig sabihin, maaari ring ituro at makasanayan ang baybay abaseda.

Mga grapema [baguhin]
Ang mga grapema o pasulat na simbolo sa praktikal na ortograpiya ng wikang pambansa ay binubuo ng letra at di letra.
Ang letra, na kung tawagi’y ang alpabeto, ay binubuo ng dalawampu’t walong (28) simbolo: Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg Hh Ii Jj Kk Ll Mm Nn Ññ NGng Oo Pp Qq Rr Ss Tt Uu Vv Ww Xx Yy Zz. Ang mga di letra ay binubuo ng: wala ( ) at gitling ( ), na parehong sumisimbolo sa impit na tunog; ng tuldik: wala ( ), pahilis ( ΄ ), paiwà ( `) at pakupya ( ˆ ); ng bantas: tuldok (.), pananong (?), pandamdam (!), kuwit (,), tulduk kuwit (;), tutuldok (:), at kudlit ( ’ ). Tatalakayin sa hiwalay na papel ang gamit ng mga bantas.

Tawag sa mga letra at pasalitang pagbaybay [baguhin]
Tawag sa mga letra [baguhin]
May dalawang paraan sa pagtawag ng mga letra:
Tawag abaseda o ponetiko: “a”, “ba”, “se”, “da”, “e”, “fa”, “ga”, “ha”, “i”, “ja”, “ka”, “la”, “ma”, “na”, “nya”, “nga”, “o”, “pa”, “kwa”, “ra”, “sa”, “ta”, “u”, “va”, “wa”, “eksa”, “ya” at “za”.
Tawag Ingles: “ey”, “bi”, “si”, “di”, “i”, “ef”, “ji”, “eych”, “ay”, “jey”, “key”, “el”, “em”, “en”, “enye”, “enji”, “ow”, “pi”, “kyu”, “ar”, “es”, “ti”, “yu”, “vi”, “dobolyu”, “eks”, “way”, “zi”.
Ang pagtawag sa mga di letra ay alinsunod sa I, (B).
Pasalitang pagbabaybay [baguhin]
May dalawang paraan ng pasalitang pagbaybay:
Baybay abaseda (a ba se da) o ponetiko: “Rizál” = “malaking ra” “i” “za” “a” “la”, “pag asa = “pa” “a” “ga” “gitling” “a” “sa” “a”, “buko” = “ba” “u” “ka” “o”, “baít” = “ba” “a” “i” “ta”, “lutò” = “la” ”u” “ta” “o”, at “basâ” = “ba” “a” “sa” “a”.
Baybay Ingles (ey bi si di): “Rizál” = “kapital ar” “ay” “zi” “ey” “el”, “pag asa” = “pi” “ey” “ji” “gitling” “ey” “es” “ey”, “buko” = “bi” “yu” “key” “ow”, “baít” = “bi” “ey” “ay” “ti”, “lutò” = “el” ‘yu” “ti” “ow”, at “basâ” = “bi” “ey” “es” “ey”.
Mga tunog, haba, at diin [baguhin]
Mga katinig [baguhin]
1. Ang mga letrang pangkatinig ay: Bb, Cc, Dd, Ff, Gg, Hh, Jj, Kk, Ll, Mm, Nn, Ññ, NGng, Pp, Qq, Rr, Ss, Tt, Vv, Ww, Xx, Yy at Zz 2. Sa pagbabaybay ng karaniwang katutubong salita sa wikang pambansa, gamitin lamang ang sumusunod na mga letrang pangkatinig: Bb, Dd, Gg, Hh, Kk, Ll, Mm, Nn, NGng, Pp, Rr, Ss, Tt, Ww at Yy. Ang mga letrang ito ay sumisimbolo sa 15 sa 16 na katutubong katinig sa wikang pambansa: /b/, /d/, /g/, /h/, /k/, /l/, /m/, /n/, /ŋ/, /p/, /r/, /s/, /t/, /w/, at /y/. Ang bawat letra ay representasyon ng isang katinig lamang. Ang panglabing anim na katutubong katinig—ang impit—ay kinakatawan ng wala ( ), gitling ( ), paiwa ( ` ) at pakupya ( ˆ ) . 3. Sa pagbabaybay ng mga salitang buhat sa iba pang mga katutubong wika sa Pilipinas, panatilihin ang orihinal na anyo ng mga ito batay sa palabaybayan at/o palatunugan ng pinagkunang wika. 4. Sa pagbaybay ng mga hiram na salita buhat sa banyagang wika, may dalawang paraang ginagamit: una, panatilihin ang orihinal nitong anyo batay sa palabaybayan ng pinagkunang wika, at ikalawa, baybayin ito ayon sa katutubong sistemang nakasaad sa III A, 2. Kung aling paraan ang gagamitin ay matutunghayan sa ikalimang bahagi ng patnubay na ito. 5. Ang impit na tunog ay kinakatawan ng mga sumusunod na di letrang pangkatinig: wala ( ), gitling ( ), tuldik na paiwà (`) at pakupya (ˆ).
Mga tuldik [baguhin]
Kumplikadong mga simbolo ang mga tuldik. Ang pakupya (^) ay binubuo ng markang pahilis (΄) sa kaliwa, at ng markang paiwa ( ) sa kanan. Ang pahilis ay simbolo ng diin sa dulong pantig; ang paiwa, sa impit na tunog sa dulo ng salita. Gayon din, ang paiwa ( ` ) ay may dalawang bahagi. Ang kaliwa ay kakikitaan ng malumay na marka na sinisimbolo ng wala ( ) at ang kanang bahagi nito, ng tuldik na paiwa. Ang wala ( ) ay sumisimbolo sa diin sa penultimang pantig at ang paiwa ( ` ) ay sumisimbolo sa impit na tunog sa dulo ng salita.
a. Ang impit na nasa unahan ng salita at nasa pagitan ng mga patinig ay hindi isinusulat: “aso” /' a . so/, at “kain” /'ka . in/.
b. Ang impit na nasa pagitan ng katinig at patinig ay kinakatawan ng gitling: “pang araw” /paŋ.' a .raw/
c. Ang impit na nasa dulong pantig ng salitang may diin sa penultima ay kinakatawan ng tuldik na paiwà sa ibabaw ng patinig ng dulong pantig: “batà” / ba .ta /
d. Ang impit na nasa dulo at may diing pantig ng salita ay kinakatawan ng tuldik na pakupya sa ibabaw ng patinig ng dulong pantig: “likô” /li. ko /. Ang impit na tunog sa pinal na pusisyon ng salita ay hindi nabibigkas ng ilang tagapagsalita. Ang dahilan nito ay sapagkat sa unang wika nila ay walang impit na matatagpuan sa naturang pusisyon. Naililipat nila ang ganitong nakagawian sa kanilang pangalawang wika: “likô” /li. ko / > /li. ko/.
e. Para sa ilang tagapagsalita, ang impit na nasa dulo ng salita ay napapalitan ng haba, kapag ang salita ay nasundan ng ibang mga salita: “matandâ” /ma.tan.'da / pero “matandá na siya” /ma.tan.da:. na. si.yá/. Para naman sa ibang tagapagsalita, nananatili ang impit kahit ang salita ay nasundan ng ibang salita: “matandâ na siya” /ma.tan. da . na. si.yá/.
Mga patinig [baguhin]
1. Ang mga patinig sa wikang pambansa ay kinakatawan ng mga letrang: Aa, Ee, Ii, Oo at Uu.
2. Sa pagbigkas ng katutubong salita, hindi makabuluhan ang pagkakaiba ng “i” vs. “e” at ng “o” vs. “u”. Katulad ng “sakít” = /sa. kit/ ~ /sa. ket/, “kurót” = /ku. rot/ ~ /ku. rut/, “lalake” = /la. la:.ki/ ~ /la. la:.ke/ pero: “kalalakihan” = /ka.la.la. ki .han/.
3. Kahit hindi kontrastibo sa bigkas, may nakagawian nang gamit ang “e” at “i”. gayon din ang “o” at “u”. Ginagamit ang “e” at “o” sa dulong pantig ng mga katutubong salita at ang “i” at “o” sa ibang kaligiran. Katulad ng “babae” pero: “kababaihan” hindi “kababaehan”, “buhos” pero: “buhusan” hindi “buhosan”.
4. Nagiging makabuluhan lamang ang letra at tunog na “e” at “o” kapag ikinukumpara ang mga hiram na salita sa mga katutubo o kapwa hiram na salita. Katulad ng “mesa”: “misa”, “oso” : “uso”.
5. Gaya ng mga katinig, maaari ring gamitin ang mga letrang patinig ng wikang Filipino sa pagbabaybay ng mga hiram na salita sa orihinal nilang anyo. Pero ang patinig ng hiram na salita ay maaaring kumatawan sa mahigit na isang tunog. Katulad ng “table” = /'tey.bol/, at “ballet” = /ba.'ley/.
Haba at diin [baguhin]
1. Ang diin ay kinakatawan ng sumusunod na simbolo: wala ( ) at pahilis ( ΄ ).
2. Ang diin sa isang bukas na pantig (i.e. isang pantig na nagtatapos sa patinig) maliban sa ultima ay binibigkas na mahaba ( ). Katulad ng tao / ta . o/, mahaba ang may diing ta pero: isá / i. sa/, walang habà ang may diing sa; sa tukóy /tu. koy/, walang habà ang may diing koy.
3. Ang diin sa penultima ay hindi isinusulat. Katulad ng tao / ta . o/; lumà / lu .ma /
4. Ang diin sa iba pang pantig maliban sa penultima ay minamarkahan ng pahilis ( ΄ ) sa ibabaw ng patinig na may diin. Katulad ng taním [ta.'nim], tániman /ta .'ni .man/, at pátániman /pa .ta .'ni .man/.
5. Ang katutubong salita na may saradong penultima ay may awtomatikong diin sa dulong pantig. Katulad ng bantáy /ban. tay/.
6. May awtomatikong diin sa dulong pantig ang katutubong salita na sa pasulat na anyo ay may magkatabing magkaparehong patinig sa penultima at sa dulong pantig. Katulad ng biík /bi.' ik/ at suót /su.' ot/. May ilang kataliwasan dito: tulad ng pinsan, minsan at bibingka na may diin sa saradong penultima. Sa Sebwano, ang mga salitang may saradong penultima ay may awtomatikong diin sa penultima. Ang naturang salita, sa ponetikong transkripsiyon, ay:
a. may impit na tunog sa unahan ng dulong pantig;
b. may bukas na penultimang pantig;
c. may magkaparehong patinig sa dulo at penultimang pantig. Ang eksepsiyon dito ay ang salitang oo.
7. May awtomatikong diin sa dulong pantig ang katutubong salita na may uw o iy sa pagitan ng penultima at dulong pantig. Katulad ng tuwíd /tu. wid/ at tiyák /ti. yak/. Nakakaltas ang “u” at “i” sa mga salitang ito sa aktuwal na pagsasalita: katulad ng tuwíd / twíd/ at tiyák / tyák/.
Mga pantig [baguhin]
Katutubong pantig [baguhin]
1. Dalawa lamang ang kayarian ng pantig sa katutubong palapantigan: KP (katinig patinig) at KPK (katinig patinig katinig).
2. Walang di pinal na pantig ng katutubong salita na nagtatapos sa impit na tunog / /. Ang isang salitang gaya ng: “bâgo” /ba .'go/ ay hindi pangkaraniwan sa wikang pambansa, sapagkat ang unang pantig nito ay nagtatapos sa impit na tunog.
3. Walang di pinal na pantig ng katutubong salita na nagtatapos sa tunog na “h”. Ang isang salitang gaya ng: “kahkah” /'kah.kah/ ay hindi rin pangkaraniwan, sapagkat ang dalawang pantig nito ay nagtatapos sa “h”.
4. May mga nagsasabi na ang dulong pantig ng isang katutubong salita ay laging nagtatapos sa katinig. Halimbawa, ang salitang gaya ng “sabi” ay nagtatapos raw sa tunog na /h/.
A. May ilang ebidensyang sumasalungat sa ganitong pusisyon:
a. Hindi distintibo o hindi naririnig ang [h] na ito kumpara sa mga wikang may /h/ sa dulo ng pantig, gaya ng Kakilingan Sambal; Kakilingan Sambal “lotò / lo .to / `luto’ “lotoh / lo .toh/ `pagsabog (ng bulkan)’
b. Ang salitang gaya ng “sabi” kapag sinundan ng “daw”, ay nagiging ['sa .bi. raw] hindi */'sa .bih. raw/ o */'sa .bih.daw/. Ibig sabihin, walang naririnig na /h/ bago ng /r/ o /d/; at
c. Malamang na nagtatapos sa patinig ang “sabi”, sapagkat nagiging “raw” ang “daw“. Ang tuntunin ay ginagamit ang “raw” kapag ang salitang sinundan o nasa unahan nito ay nagtatapos sa patinig.
B. Mayroon din namang ebidensya na nagpapahiwatig na mayroong /h/ sa dulo ng “sabi”. Kapag kinabitan ito ng hulaping “ an”, nagiging distintibo at naririnig ang /h/. / sa .bih/ + / an/ > /sa. bi .han/ “sabihan”.
C. Alinman sa pagsusuring ito ang gamitin, malinaw na hindi sinusulat ang [h] sa dulo ng isang pantig ng isang katutubong salita.
Hiram at dayuhang pantig [baguhin]
1. Dahil sa panghihiram, nadagdagan ang kayarian ng pantig sa wikang pambansa. Bukod sa KP at KPK, ang mga hiram na pantig ay: KKP, KKPK, KKPKK at KPKKK. Katulad ng tra po / tra .po/ (KKP KP), plan ta / plan.ta/ (KKPK KP), trans por tas yon /trans.por.tas. yon/ (KKPKK KPK KPK KPK), at ispórts /is.ports/ (KPK KPKKK).
2. Isang palaisipan sa maraming Pilipino ang tamang pagpapantig sa mga salitang hiram na may kambal katinig gaya ng “sobre” ( “sob re” o “so bre”?); ng “tokwa” (“tok wa” o “to kwa”?) at ng “pinya” (“pin ya” o “pi nya”?). May dalawang tuntunin na sinusunod kaugnay nito:
a. Ang tamang pagpapantig ay umaayon sa katutubong kayarian na KP at KPK. Ang “sob ra”, “tok wa” at “pin ya” ay sumusunod sa katutubong kayarian na KP at KPK. Mas malayo sa aktuwal na bigkas at mas malapit sa hiram o dayuhang pantig ang “so bra”, “to kwa” at “pi nya.” Ang totoo’y tama ang huling paraan ng pagpapantig sa pinanghiramang wika.
b. Ang tamang pagpapantig ay umaayon o mas malapit sa aktuwal na bigkas. Ang bigkas ng mga Pilipino sa nasabing mga salita ay mas malapit sa / sob.bre/ ~ / sob.bre/, / tok.kwa/ ~ / tok.kwa/, at / pin.nya/ ~/ pin.nya/. Ibig sabihin, sumasama ang huling katinig ng penultima sa bigkas ng dulong pantig. Kung ang tamang pagpapantig ay “sob re”, “tokwa” at “pin ya”, mas madaling ipaliwanag ang pagsasama ng huling katinig ng penultima sa dulong pantig. Mas mahirap ipaliwanag ang ganitong pangyayari kung ang istandard na pagpapantig ay: “so bre”, “to kwa” at “pi nya”, gaya ng sa pinanghiramang wika.
3. Palaisipan din sa maraming Pilipino ang tamang pagbabaybay at pagpapantig ng mga salitang may kambal patinig sa orihinal na baybay. Ang ilang halimbawa ay: “provincia” (“pro bín si yá” o “pro bin sya”?), “infierno” (“im pi yer no” o “im pyer no”?), “violin” (“bi yo lín” o “byo lín”?), “guapo” (“gu wa po” o “gwa po”?), cuénto” (“ku wen to” o “kwento”?) at “acción” (“ak si yón” o “ak syón”?). Mayroon ding ilang tuntuning sinusunod kaugnay nito:
a. Ang namamayaning pagbabaybay (at pasulat na pagpapantig) ay umaayon sa katutubong kayarian na KP at KPK. Mas malapit ang pagpapantig ng unang anyo (i.e. “pro bín si yá”, “gu wa po”, “im pi yer no”, “bi yo lín”) sa katutubong kayarian na KP at KPK. Ang ikalawang anyo (i.e. “pro bin sya”, gwa po. “im pyer no”, “byo lín) ay may mga pantig na binubuo ng KKP na itinuturing dito na hiram o dayuhang pantig.
b. Ang namamayaning bigkas (at pasalitang pagpapantig) ay umaayon sa aktuwal na bigkas at kung gayo’y mas malapit sa ikalawang anyo (i.e. “pro bin sya”, “gwa po,” “im pyer no”, “byo lín). Samakatwid, mas malapit sa namamayaning bigkas ang ikalawang anyo, pero mas malapit sa namamayaning baybay ang unang anyo.
c. Iwasan ang tatlong magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita. Ang baybay na “probínsiyá”, “impiyerno” at “aksiyón” ay hindi lamang umaayon sa katutubong kayarian ng pantig kundi nakaiilag din sa tatlong magkasunod na katinig (i.e. “aksyón”). Totoo lamang ang tuntuning ito (*KKK) sa mga hiram na salita na may orihinal na kambal patinig pero hindi sa iba pang mga kaso (i.e. “eksklusibo”).
d. Piliin ang anyo na maaaring paghanguan ng iba pang anyo. Halimbawa: maaaring sabihin na sa anyong “ku wen to” nagmula ang “kwen to”. Nakuha ang maikling anyo nang kaltasin ang “u”.
Panghihiram [baguhin]
Tuntunin sa panghihiram [baguhin]
1. Huwag manghiram. Ihanap ng katumbas sa wikang pambansa ang konsepto. Katulad ng rule = tuntunin, hindi “rul”.
2. Huwag pa ring manghiram. Ihanap ng katumbas sa mga lokal na wika ang konsepto. Katulad ng tarsier = máomag, málmag (Bol anon), whale shark = “butandíng” (Bikol)
3. Kapag walang eksaktong katumbas, hiramin ang salita batay sa sumusunod na kalakaran:
a. Kung wikang Espanyol ang pinanghiraman, baybayin ang salita ayon sa katutubong sistema.
b. Kung wikang Ingles at iba pang wikang dayuhan, panatilihin ang orihinal na anyo. Ingles na psychology = psychology hindi saykoloji; Kastilang psicología = sikolohiya. Ang katwiran dito ay ang kawalan ng kakumpetensiyang anyo ng baybay Espanyol.
Sa kuwento ay mahahango ang tatlo pang deribasyon: nagkúkuwento (inuulit ang “ku”); nagkwékwento (pagkatapos kaltasin ang u, inuulit ang kwe) at nagkékwento (pagkatapos kaltasin ang u, inuulit ang unang katinig at unang patinig). Kung ang pangunahing anyo ay “kwento”, mahahango lamang ang huling dalawang anyo ng reduplikasyon. Mahalagang banggitin din dito na ang biswal na ispeling ng nagkwékwento ay hindi nagkakaloob ng palatandaan para sa bumabasa kung paano ang tamang pagpapantig (nag kwé kwen to o nag kwék wen to). Walang ganitong problema sa nagkuwento at nagkukuwento.
4. Sumunod sa opisyal na pagtutumbas. Sa pana panahon ay naglalabas ang KWF, kasabay ng ibang ahensya ng pamahalaan, ng mga opisyal na pagtutumbas sa mga termino sa likas na agham, agham na panlipunan, sining at panitikan. Mangyaring sumunod sa mga opisyal na pagtutumbas o salin buhat sa mga ahensyang ito. Katulad ng Repúbliká ng Pilipinas, hindi Repúbliká ng Filipinas; aghám panlipunan, hindi sosyal sayans.
Pagbabaybay ng hiram na salita [baguhin]
Ito ang mga mungkahi sa pagbabaybay ng hiniram na mga salita:
1. Maaaring panatilihin ang orihinal na baybay ng lahat ng mga salitang pantangi, panteknikal at pang agham. Katulad ng Manuel Luis Quezon, Ilocos Norte, chlorophyll, at sodium chloride.
2. Maaaring baybayin alinsunod sa katutubong sistema ang lahat ng hiram na salita buhat sa Espanyol maliban sa mga salitang pantangi. Katulad ng cebollas na katumbas ng sibuyas, socorro na katumbas ng saklolo, componer na katumbas ng kumpuní, pero na katumbas ng pero.
3. Maaaring panatilihin ang orihinal na baybay ang lahat ng salitang galing sa ibang katutubong wika sa Pilipinas. Katulad ng vakul, hadji, ifun, at cañao.
4. Maaaring panatilihin ang orihinal na baybay ng lahat ng hiram na salita buhat sa Ingles maliban kung taliwas sa nakasaad sa ikalimang mungkahi. Mga halimbawa: daddy, boyfriend, sir, at joke.
5. Maaari nang baybayin alinsunod sa katutubong sistema ang lahat ng hiram na salita na naiba na ang kahulugan sa orihinal: Katulad ng stand by na binabaybay na istambay, up here na naging apír, hole in na naging holen, caltex na naging kaltek (tabò).
6. Gamitin ang baybay ng salitang hiram na matagal na o lagi nang ginagamit, tulad ng teléponó (hindi teléfonó), pamilya (hindi familiá o familya), epektibo (hindi efektibo o efektivo).
7. Kailangang tandaan na ang bawat tunog sa bawat wika ay may kanya kanyang partikularidad alinsunod sa sistemang pamponolohiya nito. Kahit magkakahawig ang bigkas (at letra) ng mga salita sa nanghihiram at sa orihinal na wika ay hindi pa rin masasabing magkakatumbas ang mga tunog ng mga ito. Halimbawa, may ilang nagmumungkahi na gamitin ang mga salitang “deskriptiv” at “narativ” (sa halip ng nakagawiang “paglalarawan” at “pasalaysay”). Ayon sa mga ito, ang “v” ay katutubong tunog daw sa mga wika sa Pilipinas kung kaya’t maaari na raw gamitin ito sa karaniwang mga salita. Ang baybay daw sa “deskriptiv” at “narativ” ay bahagi raw ng leksikal na elaborasyon ng Filipino at bahagi ng intelektwalisasyon. Hindi ito tamang katwiran, sa sumusunod na kadahilanan:
a. Ang “v” sa mga wika sa Pilipinas ay iba sa “v” ng Ingles. Panlabi ang artikulasyon ng “v” sa Pilipino; “labiodental” naman ang sa Ingles. Bukod dito, natatagpuan lamang ang “v” na Pilipino sa pagitan ng dalawang patinig; hindi ito nakikita sa dulo ng isang karaniwang salita at pantig.
b. Ang ispeling na “narativ” at “deskriptiv” ay nakikipagkumpetensya sa “narrative” at “descriptive” ng Ingles, at mababansagang maling ispeling.
c. Sa lumang tuntunin sa panghihiram, maaaring hiramin ang salita sa orihinal na anyo. Hindi na kailangang “isakatutubo” ang ispeling ng salita.
d. Ang intelektwalisasyon at modernisasyon ng wikang pambansa ay hindi lamang nakasandig sa pagkakaroon ng mga terminong magagamit sa diskursong pangkapantasan. Mas importante pa rito ay ang kahandaan ng mga Pilipinong gamitin ang sarili nilang wika upang lumikha at magpalitan ng bago, orihinal at makabuluhang mga kaalaman.
Pagbigkas sa mga hiram na salita [baguhin]
Ito ang mga mungkahi sa pagbigkas sa mga hiram na salitang nasa orihinal na baybay:
1. Sa pagpapanatili ng hiram na salita sa orihinal na anyo, ang mga letra, ma katinig man o ma patinig, ay maaaring kumatawan sa mahigit sa isang tunog, gaya ng ipinakikita ng sumusunod na halimbawa:
a. Ang “c” ay maaaring kumatawan sa tunog na /k/, /s/ o /č/; Kastilang casa = /'ka.sa/; Ingles na ice = /' ays/; Italayanong cello = /'če.low/
b. Ang “j” ay maaaring kumatawan sa tunog na /j/ o /h/; Ingles na jack /'jak/; Kastilang jai alai /'hay a.'láy/
c. Ang “x” ay maaaring kumatawan sa tunog na /s/ o /ks/; Ingles na extra /' eks.tra/; Ingles na xylophone = /'say.lo.fown/
2. Kahit pinanatili sa orihinal na anyo, ang mga salitang dayuhan ay binibigkas pa rin ng maraming Pilipino sa katutubong paraan gaya ng sumusunod:
a. Ang /f/ ay binibigkas na parang /p/; father / fa. r/ > / pa .der/
b. Ang /v/ ay binibigkas na parang /b/; visa / vi.sa/ > / bi.sa/
c. Ang /z/ ay binibigkas na parang /s/; zoo /zu ] > /su/
d. Ang /æ/ ay nagiging simpleng /a/; map /mæp/ > /map/
e. Ang /ow/ ay nagiging /o/; goal /gowl/ > [gol]
f. Ang /i / ay nagiging [i]; brief /bri f/ > /brip/
g. Ang /u / ay nagiging /u/; shoot /šu t/ > /šut/
Kasaysayan [baguhin]
Noong unang maisulat ang mga wikang Pilipino sa alpabetong Romano, ginamit nito ang palabaybayang Kastila. Abecedario ang tinawag sa alpabetong ito, na mayroong 32 titik. Matatanaw pa rin sa ngayon ang pamana ng sistemang ito sa Kastilang pamamaraan ng pagsulat ng mga katutubong apelyido, tulad ng Maquilin, Mañálac, Guinto, at iba pa. Marami ring mga pook na may katutubong pangalan ang nasusulat sa palabaybayang Kastila, madalas nakikikumpetensya o nakikipagsama sa kanilang mga "katutubong" anyo, tulad ng Bulacán/Bulakan, Bícol/Bikol, Caloocan/Kalookan, Marahui/Marawi, Taguig/Tagig, atbp.). Noong ika-19 dantaon, iminungkahi ni José Rizal ang paggamit ng K sa halip na C at Q.
Noong 1935, naglabas si Lope K. Santos ng bagong palabaybayan para sa wikang pambansa na gumagamit ng abakada o alpabeto ng 20 titik. Noong 1973, ipinalawak ang alpabetong ito sa 31 titik. Noong 1987, muling binago ang komposisyon ng alpabeto at ginawa itong 28 titik; ito ang kasalukuyang alpabeto ng Filipino.
Noong taong 2001, naglabas ng mga patakaran ang Komisyon sa Wikang Filipino o KWF sa tamang paraan ng pagbaybay ng Filipino. Ayon sa KWF, ang Ortograpiya ng Wikang Pambansa ng Pilipinas ay ang kabuuan ng ipinapalagay na pinakamaunlad at pinakatumpak na mga kalakaran kung paano inililipat ng mga Pilipino ang sinasalitang wika sa anyong pasulat. Ang ortograpiyang ito ay tumutukoy sa istandardisadong set ng mga grapema (o pasulat na mga simbolo) at ng mga tuntunin sa paggamit ng mga simbolong ito, kapag sumusulat sa wikang pambansa. Itinutol ito ng mga suriang pang-edukasyon at, dahil dito, ibinawi.
Ilan sa mga pamantasan sa Pilipinas ang kasalukuyang ginagamit ang iilang mga repormang nasimula nang maipatupad ng pamahalaan. Ilan sa mga ito ang:
Pamantasang De La Salle (DLSU)
Unibersidad ng Pilipinas (UP)
Kapansin-pansin na, bagaman tinatangkilik ng Unibersidad ng Pilipinas ang mga reporma, ang mismo nitong pangalan ay nakabaybay ayon sa mga makalumang panuto (Pilipinas sa halip na Filipinas, ang pangalawang baybay na padalas nang ginagamit sa mga lathala ng mga unibersidad sa itaas at ng pamahalaan).
Masasabing higit na mas radikal ang mga iminumungkahing reporma ng UP kung ihahambing sa ibang mga pamantasan.
Kapansin-pansin din na, sa mismong sa loob ng mga pamantasang ito ay may tendensya ring maging di-regular sa pagbaybay ng mga salita, partikular na sa UP.
Noong 2008, naglabas ang KWF ng Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino. Itinakwil nito ang mga radikal na rebisyon ng 2001 at mas binigyang-halaga ang status quo, bagaman kinokodipika o ginagawa nang opisyal ang ilang mga aspeto nito.

5 comments:

  1. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete
  2. anung channel unang pinalabas ang alpabetong pilipino at sinu kumanta

    ReplyDelete
  3. tanong ko lang po.. sino ba ang unang espanyol na gumamit ng retorika? at bakit may malaking gampanin ang retorika sa espanyol? paki sagot naman po agad please..

    ReplyDelete
  4. tanong ko lang po.. sino ba ang unang espanyol na gumamit ng retorika? at bakit may malaking gampanin ang retorika sa espanyol? paki sagot naman po agad please..

    ReplyDelete
  5. Ano po name mo? For citation lang po

    ReplyDelete